Infinito: Salinlahi-Chapter 79

If audio player doesn't work, press Reset or reload the page.

Chapter 79 - 79

Sa pag-uusap nilang iyon, hindi maiwasan ni Esmeralda ang hindi mangamba. Sa kalagitnaan naman ng kanilang usapan, isang pagsabog ang kanilang narinig mula sa 'di kalayuan. Napatayo si Esmeralda, ganoon na rin si Liyab.

"Hay naku, nagsimula na sila. Kahit kailan, hindi talaga mapakiusapan ang mga tao! Ang titigas ng ulo." Umiiling na wika ni Apo Salya.

"Ano po ba iyon lola? Bakit parang tunog dinamita ang pagsabog na iyon?" Takang tanong ni Dodong.

Bumuntong-hininga si Apo Salya. "Mga nagmimina ang may gawa ng pagsabog na iyon. Kamakailan, may mga minerong umakyat rito, nagbigay alam na gagalawin nila ang isang parte ng kagubatan para magmina ng ginto umano. Kahit anong sabi ko sa kanila na walang ginto rito, ayaw nilang makinig."

"Ginto? IMposible naman iyon lola, sa tagal namin ni amang rito, wala naman kaming nabalitaang may ginto sa kabundukang ito." Kumunot ang ulo ni Esmeralda at saka sabay-sabay na silang lumabas. Naabutan pa nilang nagtatakbuhan ang ilan sa mga katutubo para puntahan ang pinanggalingan ng pagsabog na iyon. Sumunod naman sina Esmeralda at Liyab doon.

Nasa limang minutong lakaran rin bago nila narating ang isang parte ng gubat kung saan napakakapal na usok ang sumalubong sa kanila. Nagsisigawan rin ang mga tao na tila ng bibigay ulat sa kanilang mga kasamahan.

"Ano na, may nakita ba kayo?" sigaw ng isang matipunong lalaki. Nakasuot ito ng matigas na sombrerong kulay dilaw at nakatayo sa isang malaking bato habang hawak ang isang uri kagamitan na gamit niya habang sumisigaw.

"Wala boss, puro bato lang ang nandito, baka mas malalim pa ang kinalalagyan noon, mababaw pa itong hukay na nagawa natin." sigaw naman ng kung sino mula sa loob ng butas.

"Sige, ulitin natin, kailangan natin ng mas malalim na hukay. Sige na balik na ulit sa trabaho." sigaw ng lalaking tinawag na boss. Lalong kumunot ang ulo ni Esmeralda nang magbaba ulit ang mga ito ng mga dinamita. Hindi na nakapagtimpi pa ang dalaga at agad na lumapit sa mga ito.

"Sandali lang, bakit niyo sinisira ang gubat. Anong karapatan niyong gawin ito, hindi niyo ba alam na may nabubulabog kayo dahil sa mga ingay na ginagawa niyo?" Sigaw ni Esmeralda. Marahas na napalingon naman sa kanila ang mga kalalakihan at tila natigilan pa ang mga ito.

"At sino naman kayo? Kung karapatan ang tinanong niyo, mayro'n kami. Kayo, anong karapatan niyong pigilan kami? Lupa niyo ba ito? Kung wala kayong maipapakitang kasulatan sa amin, umalis kayo rito. Iniistorbo niyo ang trabaho namin," asik ng lalaki at muling tumalikod.

Nagpupuyos ang dibdib ni Esmeralda dahil sa galit, napapakuyom ng mahigpit ang kaniyang mga palad nang makita ang resulta ng pagsabog na iyon. Wasak ang napakalaking parte ng gubat, Nabuwal ang mga malalaking puno na tahanan pa dapat ng mga ibon, maging ang mga damong nagsisilbing pagkain ng iilang hayop sa gubat ay wala na. Bagaman hindi ang buong gubat ang nasira, malaking kabawasan pa rin ito lalo na't ang ilang mga puno at dang taon nang namumuhay roon.

"Tama na Esme, tara na. Wala tayong mapapala rito." Mahinahong wika ni Liyab, hinatak na siya ng binata at walang lingon-likod na nilang nilisan ang lugar na iyon. Nang marating naman nila ang kubo ay doon na nagpakawala ng galit si Liyab. Halos magulat ang mga katutubo nang biglang humangin ng malakas, animo'y nagbabadya ang malakas na bagyo.

Sa gulat ni Esmeralda ay awtomatikong napahawak siya sa braso ni Liyab. Nang dumampi naman ang kamay niya sa braso nito, ay huminahon ang binata.

"Talagang magagalit si Kuya Liyab dahil ang uri nila ang nangangalaga sa kagubatan." Saad ni Dodong.

Humihingal naman si Liyab habang pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi pa man sila nagsisimula sa kanilang misyon ay may mga panggulo namang nakikigulo sa kanila.

"Mapapahamak sila kung ipagpapatuloy nila ang ginagawa nila. Hindi man nila makuha ang parusa sa mga engkantong nagagambala nila, paniguradong magiging hapunan sila ng mga aswang mamayang gabi." Dagdag pa ni Dodong habang may nakakalokong ngisi sa kaniyang mga labi.

Sumapit ang takipsilim at nanatili silang nasa labas ng kubo. Naghihintay ng hudyat ng kalikasan bago sila gumalaw.

"Tama ang hinala mo Dong, magpapalipas sila ng gabi sa lugar na iyon. May mga naitayo na silang mga tolda na pahingahan nila." Balita ng mga kalalakihang inutusan nilang magmatyag doon.

"Mukhang magkakaroon ng pagdiriwang ang mga aswang mamaya. Tamang-tama, dahil nangangati ang kamay kong makipaglaro sa kanila." Gigil na wika ni Esmeralda na sinigundahan naman ni Dodong. Bahagya namang natawa si Liyab at saka tumayo.

Iwinaksi nito ang kaniyang katawang lupa at bumalik sa kaniyang anyong engkanto. Muling nasilayan ni Esmeralda ang itim na itim nitong buhok at ang malaporselanang balat ni Liyab. Tila kumikinang ito habang nasisinagan ng papalubong na araw.

"Maghanda ka Esme dahil baka may kasama silang itim na engkanto sa hanay nila. Mapapalaban tayo kapag nagkataon." Saad ni Liyab at tumango si Esmeralda bilang pagsang-ayon. Pumasok siya sa kubo at kinuha ang mga sandatang malimit niyang gamitin.

"Dalhin mo ito Esme." Inabot ni Apo Salya ang isang pulang tela, nang buksan ito ng dalaga ay tumambad sa kaniya ang isang gintong hibla.

"Buhok iyan ng tikbalang, malaki ang maitutulong niyan sa'yo sa laban, tanganin mo iyan. Sa oras na magampanan niya ang kaniyang pakinabang ay kusa na itong babalik sa tunay na nagmamay-ari sa kaniya." Pabulong na wika ni Apo Salya.

Ngumiti si Esmeralda. "Maraming salamat ho, lola." Itinali ni Esmeralda sa braso niya ang hibla at itinago ito sa manggas ng kaniyang damit. Matapos kunin ang kaniyang mga sandata ay lumabas na rin siya ng kubo.

Hindi pa man din pumapatak ang alas otso ng gabi ay nakarinig na sila ng sigaw sa kagubatan. Alam nilang galing iyon sa mga minero kaya nagmamadali na nilang tinahak ang daan patungo roon.

Malayo pa man sila ay rinig na nila ang mga angil ng mga mababangis na aswang at mga sigaw ng mga minero.

Follow curr𝒆nt nov𝒆ls on fɾeeweɓnѳveɭ.com.

Hindi na nagdalawang-isip pa ang grupo nila at kaagad na nilang sinugod ang mga aswang na umaatake sa mga tao. Walang kahirap-hirap na ibinabalibag ni Liyab ang mga ito, ngunit bago niya ginagawa ito ay malupit niya itong pinapakita sa mga taong naroroon.

Umaalingawngaw ang sigawan sa bawat sulok ng gubat. Kahit anong gawin nilang pagtakbo ay mga asong lumalapa sa kanila. Na siya namang sinusunggaban nina Esmeralda at kaagarang kinikitilan ng buhay.

"Tulong, may tao pa rito!" Sigaw ng isang lalaki. Agad naman itong nakilala ni Esmeralda bilang ang lalaking tinatawag nilang boss. Ang dati nitong angas ay napalitan ng sindak at takot. Namimilipit ito sa sakit habang ang isang paa nito ay naipit sa ilalim ng isang tipak ng bato.

"Tulong, pakiusap. Ayoko pang mamat*y. Tulungan niyo ako." Pagmamakaawa nito.

Napahinto si Esmeralda at agad na dinaluhan ang lalaki. Patuya niya iting tinitigan at saka ito inismiran.

"Sinasabi ko na kanina, hindi niyo alam kung sino ang mabubulabog niyo. Pero anong sinabi mo? Wala kaming karapatan? Ngayon, nasaan ang sinasabi mong karapatan niyo? Hindi ba't maililibing lang ito sa lupa kasama ang mga walang buhay niyong katawan? Hindi pa umaalma ang higit na makapangyarihan pero heto ka't parang maiihi na sa takot." Panunuya ni Esmeralda. Umiyak ang lalaki muling nagmakaawa, kung hindi lang naipit sa bati ang paa nito ay paniguradong lumuhod na ito sa harap niya.

Bago pa man muling makapagsalita si Esmeralda, nakita niya ang paglaki ng mga mata ng lalaki. Mabilis siyang lumingo kasabay ng pagsaksak niya ng kaniyang punyal sa kung sino man sa likuran niya.

Tawa ng isang dambuhalang nilalang ang siyang sumambulat sa kaniya. Tila dumaplis llamang ang talin ng kaniyang punyal dahil sa dulas ng balat nito. Animo'y nagmamantika ito sa dulas, napakabaho rin ng amoy nitong tila pinaghalong nabubulok na karne at dumi ng manok.

Nakasusulasok.

Nakaririmarim.

Ilan lamang ito sa pumasok sa isip niya nang makita ang nilalang.

Umangil ang nilalang at tumambad sa kaniya ang nangingitim nitong mga ngipin na halos maihahalintulad mo sa mga pating. Bahagyang patulis ang nguso nitong nalalapit sa nguso ng mga aso. Nag-uumbukan rin ang mga kalamnan nito sa katawan at batid niyang batak ito sa pakikipaglaban.

"Mukhang walang silbi sa tulad mo amg punyal na ito." Ngumisi si Esmeralda at saka hinugot ang itak mula sa taguban nito.