Infinito: Salinlahi-Chapter 81

If audio player doesn't work, press Reset or reload the page.

Chapter 81 - 81

Nang makalagpas naman sila sa teritoryo mg mga balo ay naging tahimik nang muli ang kanilang paglalakbay. Lagpas tanghali nang marating nila ang kabilang bahagi ng kabundukan. Hindi tulad sa nakagawian nila, masyadong makapal ang maitim na presensiyang nararamdaman nila. Kahit tanghaling tapat ay nakapagtatakang may bumabalot na hamog sa paligid. Hindi rin gaanong nasisinagan ng araw ang bahaging iyon, dahil marahil sa kapal ng mga dahon ng nagtataasang puno.

Inilibot nila ang kanilang mga paningin, nagiging alerto sila sa bawat kaluskos na kanilang naririnig.

"Mukhang narito na tayo sa bahaging pinagkukutaan nila ah," puna ni Esmeralda at napatango naman si Liyab. Sa pagkakataong iyon ay pinanatili ni Liyab ang kaniyang anyong tao.

"Kuya, hindi ka ba babalik sa tunay mong anyo?"

"Hindi na muna sa ngayon, hayaan mong isipin nila na mga tao lang tayo. Maghanap muna tayo ng lugar kung saan tayo magpapahinga. Mas maigi kung makakapagpahinga tayo ngayon, dahil siguradong mapapalaban tayo mamayang gabi." suhestiyon ni Liyab.

Agad na sumang-ayon sina Esmeralda at Dodong. Naghanap sila ng lugar na malapit sa tubig at sakto namang may malakingpuno ang nasa gilid lang nito. Matandang puno iyon ng balete kaya— tamang-tama lang dahil malapad iyon at siguradong kahit na umulan ay hindi sila agad mababasa.

"Tamang-tama ito, sige na magpahinga na tayo." binuklat na ni Liyab ang isang banig na hindi nila alam kung saan nanggaling. May kung-ano-ano pa itong hinugot mula sa puno ng balete tulad ng unan at kumot.

Napakunot ang noo ni Esmeralda habang tatawa-tawa naman si Dodong.

"Kaya ba hindi na tayo nagdala niyan, paano mo nagawa iyan?" Tanong ni Esmeralda.

"Ate talaga, nakalimutan mo na bang engkanto si Kuya Liyab, at puno ito ng balete, kaya niyang gumawa ng lagusan kung saan maaari siyang kumunekta sa mga kasamahan niyang engkanto at makakuha ng mga kailangan niya. Kaya nga lang, ang mga ito ay gamit mula sa kaharian at hindi mula sa ating mundo. Hindi kasi tinatanggap ng mundo ng mga engkanto na makadaan doon ang mga gamit na gawa ng tao." Paliwanag ni Dodong.

Napakamot ng ulo si Esmeralda. "Kaya pala, parang kakaiba ang materyales ng mga kagamitang ito. Pero mukhang komportable naman, kaya tara, magpahinga muna tayo, medyo napagod din naman ako sa napakahaba nating paglalakad." wika ni Esmeralda at naupo na sa ginawang higaan sa kaniya ni Liyab.

Dahil sa pagod, agad silang nakaidlip. Banayad ang ihip ng malamig na hangin sa lugar na iyon at ang lagaslas ng tubig ang tila nagduyan sa kanila para makatulog.

Ilang oras ding nakatulog si Esmeralda at pakiramdam niya'y napakagaan ng paligid niya sa kabila ng panganib na maaaring bumulaga sa kanila habang nagpapahinga.

Naalimpungatan siya nang marinig ang mga boses na tila may nag-uusap sa kanilang paligid. Napakunot ang ulo ng dalaga at dahan-dahang iminulat ang kaniyang mga mata.

"Ang mga batang ito, hindi ba nila alam na mapanganib na dito. Nagawa pang matulog dito." Reklamo ng boses, galing iyon sa isang matanda.

"Tatay naman talaga, malay mo naman, naligaw lang sila at napagod kaya nakatulog dito." Sagot naman ng isang batang babae.

"Ay, kahit na, mapanganib ang gubat lalo na sa gabi." Giit naman ng matanda.

Narinig pa ni Esmeralda ang pagbuntong-hininga ng bata bago siya tuluyang nagmulat ng mata.

Sa kaniyang pagmulat, nabungaran niya ang isang matandang lalaki na na baluktot na ang likod at isang batang babae na mas maliit lang kay Dodong. Nakatirintas ang may kahabaan nitong buhok at may bitbit itong maliit na basket na may lamang bulaklak.

Panabay na bumangon si Esmeralda at Liyab.

"Magandang hapon ho," bati ni Liyab, marahang tumayo ang binata at pinakatitigan ang dalawang taong nasa harapan nila.

"Walang maganda sa hapon. Hindi niyo ba alam na mapanganib rito?" Asik ng matanda.

"Tay, lahat na lang talaga sinusungitan mo. Bakit hindi na lang natin sila dalhin sa bahay. Ate, Kuya, hindi po ligtas sa lugar na ito, sumama na lang po kayo sa amin ni tatay, malapit lang dito ang bahay namin. Doon lang o." Itinuro ng bata ang dulo ng ilog na kinaroroonan nila.

"Bahala ka, tayo na. Papagabi na naman, at nangangati na naman ako sa hangin dito. " Reklamo ng matanda sabay talikod.

Nagkatinginan naman si Esmeralda at Liyab bago tumango sa isa't isa. Ginising naman ni Esmeralda si Dodong at pupungas-pungas itong bumangon.

Lulugo-lugong naglalakad si Dodong dahil sa antok habang hawak ni Esmeralda ang kaniyang kamay. Pagdating naman sa bahay ng matanda. Agad nilang napansin ang bakuran nitong gawa sa pinatulis na kawayan at may nakatiwarik na walis tingting sa bawat poste nito.

"Matagal na ho ba kayong nakatira rito, 'tay?" Tanong ni Esmeralda. Lumingon ang matanda at napatingin sa tinitingnan rin nila.

"Bakit, hindi ba kayo makapasok, hindi naman siguro kayo aswang, hindi ba?"

"Tatay, hindi naman kumukulo ang langis, malamang hindi sila aswang." Kakamot-kamot sa ulo na wika ng batang babae.

Hindi naman ito pinansin ng matanda at matama lang na napatitig sa kanila.

"Hindi ho kami aswang, nagtataka lamang ho kami dahil alam na ninyong mapanganib rito pero bakit hindi pa po kayo umalis?"

"Umalis? At saan kami pupunta? Matanda na ako, narito ang buhay namin. Kung hindi lang dahil sa mga hinay*pak na aswang na iyan, tahimik pa rin kaming nabubuhay ng anak ko rito." Matalim na wika ng matanda, binuksan nito ang pinto ng bahay at saka naman sila pumasok.

"Pasensiya na po kayo sa tatay ko ha, gan'yan lang siya magsalita pero ang totoo, nag-aalala siya sa inyo." Pabulong na saad ng bata. "Ay, hindi pa pala kami nagpapakilala, ako po si Tina, siya naman po ang tatay ko, Amador po ang buo niyang pangalan pero mas kilala po siya sa tawag na Tatay Ador." Dagdag pa ng bata.

Napangiti si Esmeralda at hinaplos ang buhok ng bata. "Ako naman si Esmeralda, ito si Liyab at itong batang kasama namin, si Dodong."

"Kinagagalak ko po kayong makilala, upo ho muna kayo, kukuha lang ako ng tubig, nauuhaw na rin kasi ako." Dinampot ng bata ang basket niyang bitbit at kinuha roon ang mga bulaklak. Dumiretso ito sa isang maliit na altar at saka pinalitan ang mga lantang bulaklak roon ng bago, pagkatapos ay saka ito tumakbo sa kusina para kumuha ng tubig.

Isang larawan naman ang nakaagaw ng pansin ni Esmeralda. Inilibot niya ang paningin sa loob ng bahay at napangiti. Payak lang ang kubong iyon subalit makikita mo namang kompleto at komportable.

"Uminom po muna kayo, naghahanda lang si tatay ng gagamitin para magpausok mamay. Alam niyo na, pantaboy sa mga aswang. Halos gabi-gabi kasi silang dumadalaw rito. Pero dahil sa mga nilagay ni tatay, hindi sila makapasok kahit sa bakuran lang." Nakangiting wika ni Tina.

"Hindi ka ba natatakot, Tina?"

"Sabi ni tatay, kung matatakot ako. Lalo lang lalakas ang loob nila na saktan kami. Kaya hindi ako puwedeng matakot. " Sagot naman ng bata.

"Tama iyan, Tina. Pero hayaan mo, habang narito kami, hindi kayo magagambala ng mga aswang na iyan. Kahit hindi na kayo magpausok, sisipain ko ang mga iyon pabalik sa lungga nila." Matapang na wika naman ni Dodong. Nakataas pa ang braso nito na animo'y pinagmamalaki kay Tina ang kalamnan niya sa braso.

Nagkatawanan naman sila at dahil doon ay lalo namang gumaan ang loob ng batan sa kanila.

Sa paglapat ng dilim sa kalupaan. Nagsimula na rin ang mga kakaibang tunog sa paligid. Magkagano'n pa man, nagpatuloy sa paghahain si Tatay Ador ng pagkain sa maliit nilang hapag. Kanin at ginataang suso na may gabi ang ulam sa mesa. Agad namang natakam si Dodong nang makita ito.

Nang magsimula na silang kumain, siya namang pagrinig nila ng pagtama ng bato sa bubong ng bahay.

"Huwag niyong pansinin. Hanggang ganiyan lang naman sila. Magpatuloy lang kayo sa pagkain. " Utos ni Ador. Tila sanay na sanay na ito. Maging si Tina ay parang walang naririnig.

Pagkatapos nilang kumain ay sumilip naman si Esmeralda sa maliit na siwang ng bintana.

"Aba't napakarami naman yata ng bisita mo 'Tay Ador." Puna ni Esmeralda.

"Hindi sila nananawa. Hayaan mo lang sila diyan." Tugon naman ng matanda. Naglakad ito sa pinto at bahagyang binuksan ang pinto bago isinaboy sa labas ang laman ng maliit na batyang inaasikaso niya kanina.

Agad na humalimuyak ang amoy ng kalamansi sa hangin. Umatungal naman ang mga nilalang sa labas na animo'y nasasaktan. Napatawa na lang si Esmeralda nang mapagtanto niyang diretsong isinaboy pala ng matanda sa mga aswang ang laman ng dala nito. Kitang-kita niya kung paano umusok ang pagmumukha ng mga aswang na natamaan nito.

"Sige, ipagpilitan niyo pa amg gusto niyo. Akala niyo siguro natatakot ako. Walang takot na tao rito, subukan niyong mag-ingay. Kapag talaga ako hindi nakatulog. Susugurin ko ang lungga niyo bukas ng umaga at sisilaban ko kayo habang kayo naman ang tulog. Mga p*ste kayo, lumayas kayo dito sa bakuran ko!" Sigaw ni Ador.

Umangil ang mga nilalang sa labas na tila ba nagmamatigas at lalo namang nag-init ang ulo ni Ador.

"Aba't talaga namang matitigas ang bumbunan niyo. Teka lang..." Muling isinara ni Ador ang pinto at dali-dali itong pumasok sa kusina. Pagbalik nito at may dala na itong isang banga. Pagbukas ng pinto ay dumakot ito sa loob ng banga at mabilis na isinaboy sa labas.

Tuwang-tuwang nanood naman sila sa ngayon ay nakabukas ng bintana. frёewebηovel.cѳm

"Masaya pala ang ganito ate, para silang naluluto nang walang apoy, dahil lang sa kalamansi at asin." Saad ni Dodong.

"Hindi niyo ba alam na pangontra sa aswang ang asin at kalamansi?" Tanong ni Tina.

"Alam namin, pero nakakatuwa palang gamitin ito." Tugon ni Dodong.

Pumasok na ulit si Ador at sinara ang pinto.

"Masasaktan lang sila sa asin pero sila mamamat*y. Ang gamit kasi namin, itak, balaraw, buntot-pagi at kung ano-ano pang nakakamat*y ng aswang." Dugtong ni Dodong.

RECENTLY UPDATES